Paglipat mula sa Picasa
Napagpasyahan naming alisin na ang Picasa upang magtuon sa iisang serbisyo sa larawan sa Google Photos – isang bago at mas mahusay na app ng larawan na mahusay na gumagana sa mobile at web.
Saan ko makikita ang aking mga larawan?

Kung mayroon kang mga larawan o video sa isang Picasa Web Album, ang pinakamadaling paraan upang patuloy na ma-access, mabago at maibahagi ang karamihan sa mga naturang content ay ang pag-log in sa Google Photos. Mapupunta na roon ang iyong mga larawan at video.

Pumunta sa Google Photos
Maaari ko pa rin bang gamitin ang desktop application?

Para sa mga nakapag-download na nito, patuloy itong gagana katulad ng ginagawa nito ngayon. Ngunit hindi na namin ito ide-develop pa, at hindi na magkakaroon ng mga update sa hinaharap.

Kung pipiliin mong lumipat sa Google Photos, maaari mong ipagpatuloy ang pag-upload ng mga larawan at video gamit ang desktop uploader sa photos.google.com/apps.

Matuto nang higit pa